Sunday, October 14, 2007

from people's journal

by leo m bukas

PANAY ang promote ngayon ni Angel Locsin para sa guesting niya sa MMK on Friday with Sam Milby. Ito ang first dramatic attempt at first big project din sa Dos ni Angel kaya tiyak na inaabangan ito ng fans niya at detractors.

Kung magsa-shine si Angel sa kanyang performance sa MMK, masasabing tama lang ang desisyon niyang lumipat dahil natupad ang kanyang gusto na ma-develop ang kanyang dramatic skills. If not, tiyak na matutuwa ang detractors niya.

First time ni Angel to work with Sam at halata namang nag-enjoy ito. According to our source, ganado si Angel tuwing may mga eksena sila ni Sam lalo na nung kinukunan na yung kanilang “kilig moments.”

Ayaw naming impluwensyahan ang thinking ng televiewers, pero base sa nakita naming acting ni Angel sa taping ng MMK, pasado na siya. Mas nagkaroon siya ng depth at ibang-iba sa istilo ng pagganap niya before.

Well, thanks to FM Reyes na nag-handle kay Angel on that particular episode na mapapanood na sa Oct. 19 sa ABS-CBN.

Crush ng Bayan, ' di na nakapagpigil

Crush ng Bayan, ' di na nakapagpigil ...
Ikinanta ni Mariel: Angel Pinasok ni Sam sa Kuwarto
Hindi na talaga lucky... Mga Chicks ni Luis Nasusulot ni Sam

Len Llanes
Iskup
Bulgar
15 Oktubre 2007

Ibinuking ni Mariel Rodriguez sa Entertainment Live na ang original crush ni Sam Milby ay itong si Angel Locsin.

Remember that time na nag-e-emcee pa si Mariel nu'ng nasa Bahay ni Kuya pa si Sam? 'Di ba, kilig na kilig din ito sa paghanga sa Amboy? "yun nga lang, paglabas ng bahay, ang napagtuunan nito ng pansin ay ang kasama niyang host na si Toni Gonzaga.

Kasom 'di naman nauwi sa katotohanan sina Sam at Toni. At ngayon naman, balitang wala na sina Anne Curtis at Sam. 'Di kaya bumabalik ang pagtingin nito sa bagong lipat sa Dos na si Angel?

Ini-reveal kasi ng madaldal na si Mariel na nu'ng nalaman ni Sam na co-host nila si Angel one time, nag effort itong puntanhan ang crush niya sa dressing room at binigyan ito ng Chi Tea. Dagdag pa nito, "pati kami, nadamay nabigyan din kami ng same drink."

Ano kaya ang reaction ni Luis Manzano rito? Naipakilala na pala nito si Angel sa kanyang mommy, ang Start for All Seasons na si Vilma Santos. 'Di kaya ma trauma si Luis dahil nu'ng una, 'di na siya nakalusot kay Toni with Sam hanging around, tapos kay Anne Curtis, at ngayon heto na naman ang dalawa na allegedly ay parehong may tama rin kay Angel?

Pero 'di kaya siya maunsiyami sa pagpasok ni Piolo Pascual sa buhay ng kanilang object of affection?

Magtatambal sina PJ at Angel sa isang serye at isang movie at puro mabubuting salita ang namutawi sa labi ni Angel tungkol kay Piolo.

"Talagang nu'ng una pa man, gusto ko na siyang makapareha. Nu'ng nate-taping na kami, medyo nag-alangan pa ako. Nakaharap ko na siya at last, mabait pala sat masarap kasama. "

Friday, October 12, 2007

SAM UNANG KAPARTNER NI ANGEL

from pilipino star (philstar)


[B]Sam, unang ka-partner ni Angel[/B]
SUNTOK SA BUWAN Ni Emy Abuan-Bautista
Thursday, October 11, 2007

Nag-text sa amin ang manager ni Angel Locsin para ipaalam na nag-taping na ang magandang aktres para sa Maalaala Mo Kaya kung
saan kapareha niya si Sam Milby.

“Maganda ang story at maganda rin ang chemistry nina Sam at Angel kung saan isang poor struggling nars si Angel na
ikalawang asawa ni Juan Rodrigo na ama ni Sam na gumanap naman bilang spoiled na balikbayan.

Kung paano magkukrus ang landas ng dalawa ang siyang aabangan sa MMK.

May kilig moments sina Sam at Angel sa drama anthology na ipalalabas sa Oct. 12,” anang manager.

(erratum: October 19) ;)

SAM MAKAUNA KAY ANGEL

www.journal.com.ph

Sam makakauna kay Angel

By: Leo M. Bukas

FOOTLOOSE

Habang naghihintay ng magandang timing ang Dos kung kelan isasabak ang Piolo-Angel soap opera, itinambal muna si Angel kay Sam Milby para sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.
Na-excite nang todo si Angel nung malaman niya na magge—guest siya sa Maalaala Mo Kaya. Alam naman natin na kapag nag-guest
ka sa MMK, tiyak na pipigain ng direktor ang acting mo, kaya hindi na halos makatulog ang dalaga sa excitement..

[B]Mas lalo pang na-excite si Angel nang malaman nito na ang guwapong si Sam Milby ang makakapartner niya. [/B]Ito ang unang pagtatambal ng dalawa at ayon sa aming source, madaling nagkasundo ang dalawa kaya nakita agad ang kanilang chemistry.

May balita kami na sa Oct. 18 ipalalabas ang episode na ito nina Sam at Angel. May narinig din kaming feedback na kakaibang
Angel ang mapapanood ng mga tao sa MMK episode na ito lalo na sa kanyang mga dramatic scene.
Well, tingnan natin kung gaano na kalaki ang in-improve ni Angel sa acting department now that she’s in ABS-CBN.

NEW PAIR

By Dolly Anne Carvajal
Inquirer
Last updated 10:45pm (Mla time) 10/09/2007

New pair

Angel Locsin and Sam Milby team up for the first time
in “Maalaala Mo Kaya,” which will be aired on Oct 12. She plays a struggling nursing student while he is the spoiled balikbayan son of a doctor.Gel and Sam hit it off instantly. They have chemistry onscreen. For sure, it’s just the start of many more projects for them together. Who knows? Cupid might just be waiting for Gel and Sam somewhere down the show biz road.