Friday, March 20, 2009

Angel Locsin, spends the night at Sam's place




Angel Locsin, spends the night at Sam's place

NAGMAMADALI NAMAN SI Angel Locsin nu’ng bumati sa amin last Wednesday pagdaan niya sa Grams Diner sa ABS-CBN loop, kung saan nagko-coffee kami nina Regee Bonoan at Vinia Vivar. Papunta si Angel sa bahay ni Sam Milby sa bandang Pasig na co-star niya sa bago niyang teleserye sa ABS-CBN na Only You.


Doon daw sila magbo-bonding with the rest of the stars ng Only You bago sila magsimulang mag-taping. Kailangan daw muna na mag-bonding silang lahat pati na ang director nila sa Only You para mas maganda raw ang kalabasan ng teleserye nila. Supposed to be nu’ng Huwebes, March 19, ang start ng taping nila ng Only You. Pero naudlot dahil may inaayos pa sa script.


Knows din daw ng boyfriend niyang si Luis Manzano na papunta siya sa bahay ni Sam that night kaya wala raw dapat gawing isyu. And if ever, cool na cool naman si Luis kung sakaling ma-link sila ni Sam.


Dahil na-delay ang start ng taping nila kaya naurong din ang pagpunta nina Angel sa Korea para sa taping ng Only You. Tatamaan ng schedule niya papuntang Korea ang birthday ni Luis sa April. So, instead na susunod si Angel sa New York para makasama si Luis sa kanyang birthday, hindi na niya ‘yun magagawa.


Sa New York kasi aabutan ng birthday niya si Luis kung saan magsu-shoot siya ng movie with his mom na si Batangas Governor Vilma Santos at John Lloyd Cruz.

No comments: